kaya eto, magpo.post ako ang ilang eksena sa buhay ko for the past month (grabe 1 month talaga ang nagdaan bago ko nabisita ulit ang blog kong ito).
1. I've decided to leave my choral group in U.P. Wala lang parang feeling ko i'm getting old for this stuff plus di ko na masyadong gusto ang mga kasama ko doon. Bahala na kung magbago man ang isip ko basta for now, masarap ang feeling na nabawasan ako ng isa sa mga bagay na nagbibigay ng stress sa buhay ko.
2. Nag-apply ako at natanggap naman for a job abroad. Di ko nga lang alam kung gusto ko siyang i-pursue. Ewan ko. Nagsabi kasi ako dati na kung mag-aabroad man ako, gusto ko walang kasamang stress sa trip na iyon. Pero inaayos ko pa rin ang mga papers ko para just in case at mag-decide ako na ituloy siya, at least di ako ma-stress sa pagpasa ng mga requirements.
3. Kanina nagkaroon ng briefing for staff members na di pa nakakatapos ng kanilang college degree. The company is offering a scholarship program and mukhang okay naman ang terms kaya lang matatali ako sa kanila kasi ba naman for every 18 units earned katumbas eh 1 year of service (mejo okay din kasi sigurado akong may work ako for several more years until such time na matapos ko yng service agreement.). Kaya lang ulit, pag kinuha ko siya sayang naman yung naghihintay na trabaho sa akin abroad. Ewan ko bahala na si batman. I'll cross the bridge when i get there.
4. On a lighter note, i'm enjoying very much the weekly meetings namin ng mga friends ko. Sobra! Kaya lang, umiral na naman ang pagkatonta ko. Di ko makuha kung paano mag-post ng pics sa blog na ito. Hayaan nyo, pag-aaralan ko siya.
O siya, yan na muna.
P.S. Sobrang inlove ako ngayon kay Ken Escudero. As in, love ko siya. For the moment. Sino siya? Ma. Current Mood: relaxed
|