Saturday na. Two more nights at babalik na ako sa opisina. Tapos na ang sem break. Balik na naman sa pagpapaka-alipin sa mga taong di mo alam kung naa-appreciate ka ba talaga sa tulong na binibigay mo o nakikipag-plastikan lang kasi wala naman silang choice sa presence mo. Actually mayroong choice yung dalawang boss ko. Boss nga sila eh, so ibig sabihin, pwede silang mag-demand sa management pag di ka nila feel at papalitan ka ng gusto nilang staff. Sana lang totoo yung pinapakita nilang appreciation sa trabaho ko kasi kung hindi, eh di wag. Wala akong paki. Kaya lang masakit syempre, kasi naman totoo naman yung mga efforts ko para i-please sila at gawing maayos yung trabaho ko. To the point na kahit di ko na dapat trabaho eh gagawin ko pag inutos nila . Wala na nga akong personal life dahil exhausted na ako pag uwi ko sa kaka-please sa kanila every day sa trabaho. Wala lang. Wala lang akong maisip sabihin kaya eto nagsi-simyento ako. Current Mood: crappy
|