hayyyy. it's been two days pa lang since the start of the semestral break and i'm bored to death already! my friends invited me to go out last friday night, but i declined. am saving kasi (my mom was hospitalized recently and it really bore a hole in my pocket). medyo malapit na ang christmas eh. my kumpare invited me last saturday to go to my inaanak's birthday celebration. i declined, again. sa laguna kasi gagawin yung party at sa quezon city ako nakatira. wala naman akong kotse kaya hindi madali para sa akin ang pumunta sa venue. my boss texted me yesterday and was asking kung pwede ako pumasok sa tuesday to help him prepare some materials that he'll be bringing with him in his trip to Jakarta. i declined, again!!! ayoko nga ano! sem break nga eh. dapat naisip nya na kailangan nya iyon para last week naasikaso ko na. hindi ako pupunta. magalit man siya at hindi ako ibili ng pasalubong, wala akong paki. nag-chat ako kanina, at may nag-invite sa akin na mag-cam to cam kami. i declined (what else is new?). kasi naman wala pa akong webcam ano magagawa ko? iniwan niya akong bigla. pero nakita ko na siya bago pa niya ako iniwan. sayang cute na masarap pa (hehehe). kaya eto ako, nagsulat na lang. wala lang.
hay, ang boring ng buhay ko. at seven days pa bago ako bumalik ng opisina. makatagal kaya ako? Ewan! Current Mood: bored
|