?

Log in

entries friends calendar profile
cainam2002
cainam2002

kaya eto, magpo.post ako ang ilang eksena sa buhay ko for the past month (grabe 1 month talaga ang nagdaan bago ko nabisita ulit ang blog kong ito).

1. I've decided to leave my choral group in U.P.   Wala lang parang feeling ko i'm getting old for this stuff plus di ko na masyadong gusto ang mga kasama ko doon.  Bahala na kung magbago man ang isip ko basta for now, masarap ang feeling na nabawasan ako ng isa sa mga bagay na nagbibigay ng stress sa buhay ko.

2. Nag-apply ako at natanggap naman for a job abroad.  Di ko nga lang alam kung gusto ko siyang i-pursue. Ewan ko.  Nagsabi kasi ako dati na kung mag-aabroad man ako, gusto ko walang kasamang stress sa trip na iyon.  Pero inaayos ko pa rin ang mga papers ko para just in case at mag-decide ako na ituloy siya, at least di ako ma-stress sa pagpasa ng mga requirements.  

3. Kanina nagkaroon ng briefing for staff members na di pa nakakatapos ng kanilang college degree.  The company is offering a scholarship program and mukhang okay naman ang terms kaya lang matatali ako sa kanila kasi ba naman for every 18 units earned katumbas eh 1 year of service (mejo okay din kasi sigurado akong may work ako for several more years until such time na matapos ko yng service agreement.).  Kaya lang ulit, pag kinuha ko siya sayang naman yung naghihintay na trabaho sa akin abroad.  Ewan ko bahala na si batman.  I'll cross the bridge when i get there.  

4. On a lighter note, i'm enjoying very much the weekly meetings namin ng mga friends ko. Sobra!  Kaya lang, umiral na naman ang pagkatonta ko.  Di ko makuha kung paano mag-post ng pics sa blog na ito.  Hayaan nyo, pag-aaralan ko siya.

O siya, yan na muna.  

P.S.  Sobrang inlove ako ngayon kay Ken Escudero. As in, love ko siya.  For the moment.  Sino siya?  Ma.

Current Mood: relaxed relaxed

2 comments or Leave a comment
cainam2002

Saturday na. Two more nights at babalik na ako sa opisina. Tapos na ang sem break. Balik na naman sa pagpapaka-alipin sa mga taong di mo alam kung naa-appreciate ka ba talaga sa tulong na binibigay mo o nakikipag-plastikan lang kasi wala naman silang choice sa presence mo.  Actually mayroong choice yung dalawang boss ko. Boss nga sila eh, so ibig sabihin, pwede silang mag-demand sa management pag di ka nila feel at papalitan ka ng gusto nilang staff.  Sana lang totoo yung pinapakita nilang appreciation sa trabaho ko kasi kung hindi, eh di wag. Wala akong paki. Kaya lang masakit syempre, kasi naman totoo naman yung mga efforts ko para i-please sila at gawing maayos yung trabaho ko. To the point na kahit di ko na dapat trabaho eh gagawin ko pag inutos nila . Wala na nga akong personal life dahil exhausted na ako pag uwi ko sa kaka-please sa kanila every day sa trabaho. 

 

Wala lang. Wala lang akong maisip sabihin kaya eto nagsi-simyento ako.

Current Mood: crappy crappy

3 comments or Leave a comment
cainam2002

hayyyy.  it's been two days pa lang since the start of the semestral break and i'm bored to death already!  my friends invited me to go out last friday night, but i declined.  am saving kasi (my mom was hospitalized recently and it really bore a hole in my pocket). medyo malapit na ang christmas eh.  my kumpare invited me last saturday to go to my inaanak's birthday celebration.  i declined, again.  sa laguna kasi gagawin yung party at sa quezon city ako nakatira.  wala naman akong kotse kaya hindi madali para sa akin ang pumunta sa venue.  my boss texted me yesterday and was asking kung pwede ako pumasok sa tuesday to help him prepare some materials that he'll be bringing with him in his trip to Jakarta.  i declined, again!!! ayoko nga ano! sem break nga eh. dapat naisip nya na kailangan nya iyon para last week naasikaso ko na.  hindi ako pupunta. magalit man siya at hindi ako ibili ng pasalubong, wala akong paki.  nag-chat ako kanina, at may nag-invite sa akin na mag-cam to cam kami.  i declined (what else is new?).  kasi naman wala pa akong webcam ano magagawa ko? iniwan niya akong bigla. pero nakita ko na siya bago pa niya ako iniwan. sayang cute na masarap pa (hehehe).  kaya eto ako, nagsulat na lang.  wala lang.

hay, ang boring ng buhay ko. at seven days pa bago ako bumalik ng opisina.  makatagal kaya ako?  Ewan!

Current Mood: bored bored

Leave a comment
cainam2002

i bought my copy na ng x-ray magazine calendar edition.  enjoy! winner ang mga poses ni dion at mike tan.  i was a little disappointed lang kay jc quadrado kasi there's really not much to see. i mean, i've seen him so many times without a shirt, so di na ako masyado natuwa sa kanya.  coco martin looked very yummy. so did kevin santos (of starstruck fame din).  

on a different note naman. medyo na-depress ako kanina. i was reading some old post dun sa isang yahoo group na member ako.  i read two stories about finding love in this very competitive and cut-throat world we gays live in.  parang ang dali-daling makahanap ng partner ng mga characters doon sa stories when in reality, hindi madali.  i've been hoping for the longest time to find someone na pwede kong mahingahan ng mga problema ko. someone who will lift up my spirit when things don't go the way they should. someone who would whisper sweet nothings when you're alone together.  alam ko naman marami akong pwedeng i-share pero eto pa rin ako, single pa rin.  marami akong kaibigan pero siyempre i want somebody special rin.  hay...kailan kaya ako magkakaroon ng special someone?  am i destined to be alone?  hanggang kailan ako maghihintay?

gutom na ako. sige dinner na muna ako.

Leave a comment
cainam2002
hay naku umiral na naman ang pagka-tonta ko.  i was out last sunday doing some grocery shopping when i remembered that the latest copy of x-ray magazine featuring some talents from GMA Network as their models was already out int he market. so after finishing my grocery shopping, i went around looking for a copy of the said magazine.  a frtiend said na available siya sa filbar's so go ako doon only to find out that the branch has already sold out their copies.  then i went to fully booked to see if they have it there.  no such luck. although i saw a calendar with mike tan and some other guys in the cover. calendar for 2008 ang nakalagay. i was frustrated kasi i wanted a copy talaga ng x-ray mag.  sa frustration ko, i went and bought a back issue of icon mag with jon mullaly in the cover.  sabi ko, ok na rin. love ko naman si jon.  kanina after work i went to megamall and robinson's galleria branches of filbar's to see if they have any copies left ng elusive magazine.  wala na rin daw.  so sabi ko, last na lang. sa cubao if i don't find one, i'll give up my search.  again i went to fully booked sa gateway and again i saw that 2008 calendar featuring mike tan and some other guys in underwear. at unfortunately again, wala sila ng x-ray mag na hinahanap ko.  so at last i gave up the hunt.  sabi ko, wala na naubos na ng mga mahaderang kapatid ko sa pananampalataya ang last remaining copies.  so i went home and surfed the net na lang.  i browsed through my favorite sites and blogspots until i saw one article in uph (http://www.ultimatepinoyhunk.org) mentioning that the latest issue of x-ray mag is indeed out in the market.  and guess what! i also learned that the darn 2008 calendar with mike tan in the cover is the elusive magazine na hinahanap ko!  tanga! for the last two days, nahawakan ko na pala yung hinahanap ko without me knowing it.  kung hindi pa ako nag-check sa net di ko pa malalaman ang katangahan ko.  anyways, i'm going to cubao again bukas at yes,  bibili na ako. kung may extra money pa ako, bibilhin ko lahat ng kopya na nandun sa stand at ipangreregalo ko sa mga close friends ko.

wish me luck. 

oo nga pala, ok lang kayo mag-comment sa katangahan ko.  

till my next post. ciao.

Current Mood: disappointed disappointed

1 comment or Leave a comment
cainam2002

i accessed my page this morning (as in 5:30 am right after i arrived from partying the night before) at ang bumati sa akin na message ay ito: "you have not yet posted a journal".  at naalala ko kung bakit. nag-open lang naman ako ng account kasi gusto kong makita yung pictures ng isa kong friend, with his talents (sa ad agency nag-work), naintriga kasi ako dahil he mentioned some names of models na gusto ko.  so i heeded his advice and got my self my own page here.  ngayon eto na at formally ay sinisimulan ko na ang buhay ng isang blogger.  sana mag-enjoy ako. sana marami akong mai-share sa inyo. sana matuwa kayo sa mga isusulat ko. at sana magka-boyfriend na ako. 

o siya sleepy na ako. magpuyat ka ba naman ng dalawang sunod na gabi. although kagabi was a really nice night nag-enjoy ako ng husto at nabusog ako literally and figuratively speaking.

next post ko na i-explain yun.

ciao.

Current Mood: sleepy sleepy

1 comment or Leave a comment